-- Advertisements --

Halos 2,000 mga preso ang nakatakas matapos na atakihin ng mga armadong kalalakihan ang prison facilities sa southern Nigeria.

Nakipagbarilan pa ang mga prison guard ng Owerri prion sa Imo State subalit hindi nila nakayanan ang dami ng mga armadong suspek na lumusob sa lugar.

Lulan ng mga bus at truck ang mga suspek nang umatake sa prison facilities.

Patuloy naman ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa mga tumakas na mga inmates sa nabanggit na lugar.