-- Advertisements --

Nasa 20 bahay ang natupok matapos ang pagsiklab ng malaking sunog sa residential area sa Molave St. Centennial 2, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Umabot sa mahigit 2 oras bago maapula ang sunog na nagsimula pasado ala-una ng madaling araw.

Itinaas pa sa ikalawang alarma ang nasabing sunog.

Bahagyang nahirapan ang mga rumespondeng bumbero dahil sa makipot na daanan kung saan nagtulong-tulong na rin ang mga residente para mabilis na maapula ang sunog.

Wala namang naitalang nasawi at nasugatan sa sunog habang patuloy na inaalam ng BFP ang nasabing sanhi ng sunog.