-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa halos 20 bahay ang nasira sa pananalasa ng buhawi sa 2 barangay sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Emil Sumagaysay, MDDRMO ng bayan ng Tupi sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Sumagaysay, lubos na naapektuhan ang mga Barangay Palian at Barangay Tubing sa nabanggit na bayan.

Maliban sa mga nasirang bahay, maraming mga puno ng saging at papaya din ang pinadapa ng malakas na hangin kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang damage assessment sa pinsalang iniwan ng pananalasa ng buhawi sa nabanggit na lugar.