-- Advertisements --
Isinugod sa ospital ang 19 na Chinese workers mula sa isang Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Kawit, Cavite.
Sinasabing nalason ang mga ito mula sa hindi pa matukoy na uri ng pagkain o inumin.
Nagtatrabaho umano ang mga Tsino sa First Orient International Ventures na isang POGO office.
Agad namang naitakbo sa ospital ang mga ito sa lungsod ng Pasay, para malapatan ng lunas.