-- Advertisements --
NAIA

Dumami pa ang mga kanseladong flights dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng typhoon Egay at habagat.

Kabilang sa mga apektadong byahe ang Manila-Basco-Manila, Manila-Laoag-Manila sa Northern Luzon at pati na ang Manila-Masbate-Manila sa bahagi naman ng Bicol region.

Habagat naman ang nakaapekto sa Manila-El Nido-Manila flight sa Palawan at Manila-Romblon sa lalawigan ng Romblon.

Pinapayuhan ng mga otoridad ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa airline companies bago magtungo sa airport upang mabatid kung tuloy o kanselado ang kanilang flight.

Maaari namang mag-rebook o magpa-refund ang mga byahero kung naapektuhan ang kanilang flights sa nabanggit na mga destinasyon.