KORONADAL CITY – Umabot sa halos 20 mga health workers sa lalawigan ng South Cotabato ang nakaranas ng side effects matapos na bakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China.
Ito ang kinumpirma ni Integrated Provincial Health Office (IPHO) Disease Surveillance Officer Cecil Lorenzo.
Ayon kay Lorenzo, nakaramdam ng Adverse Event Following Immunization (AEFI) ang 15 mga health worker sa South Cotabato ngunit four percent lamang mula sa halos 400 mga health workers.
Ibig sabihin umano ay mas mababa ito sa tolerable na 10 percent .
Ipinaliwanag pa ni Lorenzo na ang nasabing mga health worker ay pawang mga outpatient at pinauwi rin matapos obserbahan.
Karamihan sa mga nabakunahan ay nakaramdam ng pananakit ng ulo, nasal congestion, pamamaga o pamumula ng bahagi ng katawan na tinurukan ng bakuna at pagsusuka.
Nilinaw din nito na ang mga side effect ay normal na nararansan din sa lahat ng klase ng bakuna.
Iginiit din ng opisyal na ang mga nabigyan ng bakuna ay dumaan din sa assessment habang ipinagpaliban naman sa mga may karamdaman.