-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isinuko sa JTF Central sa bayan ng Midsayap, North Cotabato ang nasa 18 mga loose firearms na kinabibilangan ng matataas na kalibre ng baril. Ito ang kinumpirma ni Lt.Col John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th ID, Phil.Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Baldomar, ang mga isinukong baril ay mula a 10 mga barangay kapitan na gilang diumano sa mga armadong residente sa nabanggit na bayan.

Ang mga isinukong baril ay kinabibilangan ng isang 5.56 Bushmaster,isang 40mm grenade launcher,isang caliber .30mm Garand rifle,dalawang caliber .50mm rifles,isang M79 grenade launcher,2 M-14 rifles, dalawang 7.62mm Sniper rifles, isang caliber .30mm Sniper rifle,isang 12 Shotgun, isang caliber .38 revolver at limang caliber .45 pistols kasama na ang ilang mga bala.

Sa ngayon, umabot na sa 1,500 na loose firearms ang isinuko sa mga otoridad sa patuloy na panawagan ng kasundaluhan na ibalik sa kustodiya ng mga ito ang mga armas at suportahan ang katahimikan at seguridad sa Mindanao.