Nasa 14,000 na mga bagong empleyado ang kailangang ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni P/Supt. Juvenal Barbosa, assistant chief of recruitment and selection division ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).
Sa panayam kay Barbosa, kaniyang sinabi na 14,484 na mga bagong personnel para ngayong taon ang inaprubahan ni PNP chief police direcot Gen. Ronald Dela Rosa kung saan ang buwanang base pay ng mga ito ay P17,000.00 bukod pa sa allowances.
Sinabi ni Barbosa na makukuha na ng mga aplikante ang kanilang sahod sa loob ng 12 buwan.
Aniya, matapos silang ma-aapoint ay agad sasailalim sa public safety based course ang mga ito sa loob ng anim na buwan at isasabak sa anim na buwan na field training program.
Sa ngayon, ongoing na ang processing para sa lateral entry partikular sa technical gaya ng mga doktor, lawyer, pari, nurse, engineer, psychologist at IT.
“Ang gagawin mo mag submit ka sa screening committee kung saan ka mag apply, kung ikaw ay nurse dapat sa health service. evaluate nila yung qualifications, kung ikaw ay licensed nurse pagkatapos nun schedule ng DPRM yung written competitive exam, kapag nakapasa ka mag under ka ng PTE, yung neuro, physical, medical and dental exam and mag undergo ka rin ng background investigation tapos drug test then final interview then yung preparation doon sa appointment order and oath taking,” pahayag ni Barbosa.