-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Nasa 16 na turistang Pinoy ang isinugod sa pagamutan matapos umanong sumakit ang tiyan sa kinaing pagkain na inihain ng tinuluyang resort sa Boracay.
Ayon kay Rod Bachiller ng Boracay Fire and Rescue Volunteers Incorporated, pinaniniwalaang ang naturang mag-anak ay biktima ng food poisoning na karamihan ay mga menor edad at ang pinakabata ay tatlong taong gulang.
Tumanggi naman aniyang magbigay ng kahit anumang detalye ang pamilya gayundin ang pamunuan ng resort.
Pero tiniyak umano ng bussiness owner na sasagutin nila ang lahat ng gastusin ng mag-anak at ililipad ang ilan sa mga ito sa pagamutan sa Metro Manila.