-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Naitala sa Isabela ang 18 panibagong kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 7 sa mga bagong kaso ay ay sa Santos Tomas, tatlo sa Ilagan City, tig-dadalawa sa Cabagan at lunsod ng Cauayan habang tig-iisa sa Naguilian, Quezon, San Mariano at Tumauini.
Bumaba naman sa 411 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela dahil sa 46 na gumaling.
Isa ang Returning Overseas Filipino, 9 ang non-authorized persons outside residence, 18 ang Health Worker, 19 ang pulis at 364 ang mula sa local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.