-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring aksidente sa kahabaan ng Alamada, North Cotabato.

Ayon sa Alamada Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), isang all purpose vehicle ang nawalan ng kontrol sa National Highway malapit sa Camp Paulino Santos, Barangay Dado na nangin dahilan ng pagkasugat ng 19 na sakay nito.

Pauwi na umano ang mga biktima sa Davao City galing sa Asik-Asik Falls sa Barangay Dado, Alamada, North Cotabato nang mangyari ang aksidente.

Pinakabata umano na biktima ay 6-anyos at pinakamatada naman ay nasa 61-anyos.

Samantala, kritikal naman ang driver na si Arlan Christopher Billena, 28-anyos at si Romeo Arlan, 61-anyos na kapwa residente ng Jade Valley Subdivision, Davao City na nasa front seat ng mangyari ang aksidente.

Sa ngayon, patuloy pa na inoobserbahan ang kalagayan ng mga biktima.