-- Advertisements --

NAGA CITY – Nag-iwan ng 14 na kataong sugatan ang pagbangga ng isang van sa junkshop sa Zone 1 Cararayan, Naga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Naga City Police Office, nabatid na mula sa swimming excursions ang mga biktima na sakay ng service van ng isang punerarya at pauwi na sana sa kani-kanilang lugar.

Ngunit pagdating sa Barangay Cararayan, biglang nawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver nito hanggang sa sumalpok sa junkshop na nasa gilid ng kalsada at sa nakapadarang tricycle.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima kasama ang pitong menor de edad na agad ding isinugod sa ospital.

Nabatid na lango sa alak ang driver ng van nang mangyari ang aksidente.