CAGAYAN DE ORO CITY – Ginawaran ng gold cross medals ang nasa halos 20 na mga sundalo na nagmula sa 901st at 401st Infantry Batallion ng Philippine Army kaugnay sa matagumpay na pagka-neutralized ng mataas na opisyal ng Northeastern Mindanao Regional Committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na nakabase sa Caraga Region.
Pinangunahan ang paggawad ng pagkilala ng mga sundalo nina Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command commander Lt Gen Luis Rex Bergante at 4ID commander Brig Gen Michelle Anayron Jr dahil sa pagkasawi epekto ng engkuwentro kay Myrna Sularte alias Maria Malaya na nagsilbing kalihim ng CPP-NPA Northern Mindanao-Caraga regions.
Sinabi ni Bergante na ang pagbigay-pugay ng kanilang mga tauhan na ginawa sa 4ID Headquarters na nakabase sa Camp Evangelista ng Cagayan de Oro City ay mataas na pagkilala na ibinigay ng estado dahil sa tuluyang pagka-patay ni Sularte.
Si Maria Malaya ay matagal na tinutugis ng gobyerno dahil sa maraming mga sundalo na napatay rin nito sa mga engkuwentro sa rehiyon ng Caraga sa halos 30 taong aktibong armadong pakikipaglaban.
Napag-alaman na si Malaya ay ang maybahay ni CPP-NPA national operations head Jorge Madlos alyas Ka Oris na napatay rin sa operasyong-militar sa Bukidnon noong Oktobre 2021.
Bombo CDO