-- Advertisements --

VIGAN CITY – Aabot sa 20 tonelada o katumbas ng P184,000 na halaga ng assorted fresh chicken products ang nakuha sa dalawang driver na naharang sa Animal Quarantine Checkpoint sa Brgy. Gabur Sur, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, unang naharang ang isang van na minaneho ni Meliton Salada Santillan, 25, dahil naglalaman ang saksakyan nito ng mga assorted fresh chicken products na may bigat na mahigit 10 tonelada at nagkakahalaga ng P100,000.

Sunod na naharang ang isang freezer van na minaneho ni Rosales Leogo Torres, 40, dahil aabot sa P84,000 halaga ng assorted fresh chicken products na may bigat na halos siyam na tonelada ang nakuha sakanya.

Pareho namang bigo ang mga driver sa pagpapakita ng kanilang produkto para sa inspeksyon kaya’t napilitan ang mga opisyal na hulihin sila at dinala sa Provincial Veterinary Office ng Vigan City para dumaan sa tamang proseso.