-- Advertisements --
Pumalo na sa halos 200 ang bilang ng mga aftershocks na naranasan, makaraang yumanig ang 5.8 magnitude na lindol sa lalawigan ng Leyte.
Ayon sa Phivolcs, 61 sa nasabing bilang ang plotted o natukoy sa pamamagitan ng dalawa o higit na pasilidad.
Naglalaro ang lakas ng mga ito mula 1.5 hanggang 2.9 magnitude.
Nilinaw naman ng ahensya na halos hindi ito nararamdaman ng mga residente, dahil malalim ang epicenter at nasa katubigan din ito.
Sa pagtaya ng mga eksperto, maaari pang dumami ang aftershocks hanggang sa mga susunod na araw.