-- Advertisements --

6THID2

Idineploy na sa ibat- ibang military units sa ilalim ng 6th Infantry Division ang nasa 199 na mga bagong sundalo na magsisilbing dagdag pwersa, matapos isinagawa ang send-off ceremony.

Tinawag na mga ‘bagong mandirigmang may tikas at dignidad’ ni 6th ID Commander Major General Juvymax R. Uy, ang mga bagitong sundalo.

Ang 199 na mga bagong private ay kinabibilangan ng 188 na lalaki at 11 na babae.

Sumailalim sa apat na buwang matinding training ang mga grumadweyt na mga sundalo at ngayon ay ganap ng mga sundalo na magsisilbi sa bayan.

Sinabi ni Uy, malaking tulong sa mga military units ang 199 na mga sundalo bilang mga dagdag na pwersa.

Lalo na ngayon na nakatutok ang 6th ID sa kanilang kampanya laban sa terorismo at maging sa insurgency.

uxo2

Samantala, narekober ng mga operating units ng 6th Infantry Division ang isang unexploded ordnance (UXO) na nadiskubri sa Sitio Nursery, Barangay Sta Clara, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Agad naman rumisponde ang mga tauhan ng 37th Infantry Battalion kasama ang 31st Explosive Ordnance Disposal Team at 41ST K9 team para magsagawa ng technical evaluation hinggil sa narekober na pampasabog.

uxo

Dahil sa timely reporting ng komunidad kaya agad napigilan ang anumang tangkang pagsabog.