CAGAYAN DE ORO CITY -Isinailalim na ng pulisya at militar sa area of immediate concern ang halos 200 barangay na inaasahan ang mainitan na bangayang politika at mataas ang banta para sa pangkalahatan na seguridad sa Northern Mindanao sa nalalapit na halalan pang-barangay sa Oktobre 30,2023.
Pagpapalawinag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na batay ito sa initial security assessment sa kanilang tropa sa lower units kasama ang monitoring din ng Armed Forces of the Philippines sa rehiyon.
Sinabi ni Navarro na kadalasan sa mga barangay na inilagay sa orange category ay mismong nagmula sa Misamis Oriental,Lanao del Norte,Bukidnon,Misamis Occidental dahil sa kasaysayan ng mga mainitan na bangayan ng politika at maging presensya ng armadong grupo katulad ng New People’s Army.
Dagdag ng opisyal na maari rin na tataas o bumaba ang nabanggit na bilang habang maisagawa na ang 10 araw na election campaign ng halos 68,000 na regular candidates at mga kandidatong kabataan sa rehiyon.
Magugunitang tanging ang urbanized cities katulad ng Cagayan de Oro at Iligan kasama ang probinsya ng Camiguin ang nasa green category o walang inaasahan na mainitan na bangayan ng mga kandidato sa darating na halalan.