Nagpoprotesta ngayon ang nasa mahigit 100 mga health care workers sa Houston Methodist hospital system sa Texas na nasuspinde at nangangambang masibak sa trabaho matapos na tumangging magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Houston Methodist CEO Marc Boom, kumakatawan sa isang porsyento lamang ng halos 25,000 na empleyado ng hospital ang 178 workers na kabilang sa nasuspinde.
Aniya, 27 sa 178 na nasuspinde ay nakatanggap na ng unang dose ng vaccine at umaasang maturukan ng ikalawang dose ng bakuna.
Suspendido aniya ng dalawang linggo ang mga ito at nakatakdang masibak sakaling mabigong makumpleto ang bakuna.
Ipinagmalaki naman ng CEO ng Houston Methodist na halos 100% compliant ito sa COVID-19 vaccine mandate ng bansa at ito aniya ang unang hospital system ng bansa na nakaabot ng kanilang vaccine goal para sa kapakanan ng kanilang pasyente.