-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nagdulot ng malaking pinsala sa Southwest ng United Kingdom ang malakas na hangin na dulot ng storm Eunice.
Maraming puno ng mga kahoy ang natumba at maraming sasakyan ang stranded sa daan.
Sinabi ni Bombo International News Correspondent Noel dela Cruz, OFW sa UK na marami ring sasakyan ang nabagsakan ng mga natumbang puno ng kahoy.
Maraming manggagawa ang hindi nakapasok sa trabaho dahil sa mga sagabal sa daan.
Ayon kay Ginoong dela Cruz, target ng bagyong Eunice na may lakas ng hangin na 70 hanggang 100 miles bawat oras at naging target ang southwest ng United Kingdom.
Halos 200,000 kabahayan ang nawalan ng tustos ng kuryente dahil sa bagyong Eunice.
Sa tabi aniya ng dagat ay maraming bahay ang natuklap ang mga bubungan.