Umabot na sa 199,519 mga violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng Alert Level 4 system sa National Capital Region (NCR).
Sa inilabas na update ng PNP Joint Task Force Covid Shield, mula September 16 hanggang October 3, ang daily average ng mga violator ay nasa 11,084.
Nasa 141,714 ang lumabag sa minimum public health standards, 55,571 ang lumabag sa curfew.
Habang 53% ng violators ang binigyan ng warning, 41% ang pinagmulta, habang 6% ang binigyan ng ibang parusa.
Samantala, 239 ang mga lugar na nasa ilalim ngayon ng granular lockdown sa National Capital Region.
Ayon sa PNP, sa 239 na mga lugar na naka-lockdown,153 dito ang kabahayan, 36 ang residential buildings kasama ang building floor, 36 ang kalye, at apat ang subdivision o village.
Nagmula sa 152 na barangay mula sa iba’t-ibang lungsod ang mga lugar na naka-lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Naka-deploy naman ang mga pulis at force multipliers sa lockdown areas upang matiyak na nasusunod ang minimum public health safety standards.