-- Advertisements --
image 512

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 190 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.

Dahil dito, umakyat naman ang active tally sa 9,244 mula sa 9,228.

Sa ngayon, ang caseload ng bansa sa nakamamatay na virus ay nasa 4,079,237.

Sinabi ng DoH na nasa 150 na bagong pasyente ang nakarekober sa viral disease.

Dahil dito, ang recovery tally ay umakyat na sa 4,003,705 habang ang death toll ay umabot na sa 66,288.

Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala pa rin sa National Capital Region ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 na nasa 577 na kaso.

Sinundan ito ng Davao Region na mayroong 300, Calabarzon na mayroong 235, Soccsksargen na mayroong 170 at Northern Mindanao na mayroong 165.