-- Advertisements --

Apektado ang biyahe sa dagat ng halos 200 katao matapos ma-stranded sa 8 pantalan dahil sa epekto ng bagyong Nika.

Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard ngayong araw, sa Bicol region nasa 112 ang mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded at 3 rolling cargoes sa may Pasacao port at Calaguas island.

Sa Southern Tagalog naman, naitala ang 84 na pasahero, drivers at cargo helpers na stranded sa Real port, pantalan ng San Andres, Atimonan, Calapan port, Muelle Port at Balanacan Port. Gayundin may 15 rolling cargoes ang stranded, 4 na vessels at 4 na motorbancas.

Pansamantalang sumilong naman ang nasa 4 na vessels at 15 motorbancas hanggang sa ligtas ng bumiyahe at gumanda na ang lagay ng panahon.