-- Advertisements --

Aabot sa 200 katao ang nasugatan ng magbanggaan ang dalawang train sa Malaysia.

Nangyari ang insidente sa Kuala Lumpur kung saan nagsasagawa ng test-run ang isang train lulan ng isang driver ng ito ay bumangga sa isa ring train na puno ng pasahero.

Kapwa inooperate ng Prasarana Malaysia Berhad ang nasabing train na tumatakbo ng 40 kilometers per hour.

Agad namang dinala sa iba’t-ibang pagamutan ang mga nasugatang pasahero.

Sinabi naman ni Transport Minister Wee Ka Siong na ito ang unang grabeng aksidente sa loob ng 23 taon na operasyon ng metro system.

Nagpatawag naman ng malalimang imbestigasyon si Prime Minister Tan Sri Muhyiddin Yassin sa nangyaring insidente.