-- Advertisements --

Ligtas na nailikas ang mahigit 180 katao matapos na masunog ang kanilang sinakyan nilang Ryanair Boeing passenger jet sa Italy.

Naganap ang insidente habang ang eroplano ay nag-ta-taxing na sa pag-take off nito sa Brindisi Airport sa southern Italy.

Nangyari ang insidente matapos ang dalawang araw ng sumabog ang gulong ng isang Boeing plane habang ito ay papalapag na sa Milan Bergamo Airport.

Ayon sa Ryanair, na ang eroplano ay patungo sa Turin City sa Italy.

Pansamantalang isinara ang paliparan na binuksan din ito matapos ang tatlong oras.

Inaalam na ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagkakasunog.