Umaabot sa 1,955 na mga barangay ang tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) bilang prone sa landslide at pagbaha, kasunod ng pananalasa ni severe tropical storm ‘Kristine’.
Iniulat ng MGB, na ang probinsya ng Cagayan ang pinaka maraming prone sa landslide at pagbaha, kung saan nakapagtala ito ng 802 barangays.
Sinundan naman ito ng mga probinsya sa Batanes, Isabela, Negros Oriental, Apayao, Kalinga, Ilocos, Occidental Mindoro, Palawan, Aklan, Antique, Iloilo, at Negros Occidental.
Ang mga naitalang mga barangay na prone sa landslide at pagbaha ay base sa kanilang 100-millimeter (GSM) at 150 mm Weather Research and Forecasting model (WRF) rainfall threshold values.
Habang pinag-iingat naman ng mining company ang publiko na mag-monitor sa kanilang mga lugar kung saan nakakaranas ng mga pagguho ng lupa na maaaring mangyari pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong araw na sunod-sunod na pag-ulan.
Nirekomenda naman ng MGB ang mga apektadong barangay na magsagawa ng kanilang preemptive evacuation protocols para sa mga residente ng kanilang lugar kung sakaling lumala ang sitwasyon.