-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot sa halos 2,000 na mga katutubo sa probinsya ng Kalinga ang nagtapos sa livelihood training na isinagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Cordillera.

Ayon kay Pamela Geminiano, tagapagsalita ng TESDA-Cordillera, iba’t ibang pagsasanay ang naibigay sa mga katutubo sa naturang lugar tulad ng pedicure, basic haircut, electrical wiring and installation, light and outlet installation, bread and pastry at iba pang skills development.

Ayon pa sa kanya, puntirya ng TESDA-Kalinga na mapagtapos ngayong taon ang humigit 4,000 na mga katutubo subalit 2,000 ang nakatapos.

Nabanggit niya na napili ang mga katutubo sa Kalinga para makatulong sa pagkakaroon ng bago at mabuting hanapbuhay.

Napagkasunduan ng TESDA at National Commission on Indeginous People (NCIP)- Cordillera na panatilihin ang pagtutulungan ng mga ito para sa ikabubuti ng mga katutubo lalo na sa mga liblib na lugar.