KORONADAL CITY – Nagkukumahog ngayon ang rescue at relief efforts ng lokal na pamahalaan ng North Cotabato para sa mga residenteng labis na naapektohan ng pagbaha.
Ayon kay Engr. Arnulfo Villaruz, operations chief ng PDRRMO-North Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo, nadagdagan pa ng nasa 700 pamilya ang apektado mula sa tatlong barangay sa bayan ng Kabacan kung kaya’t umakyat na ito sa halos 2,000.
Dumagdag pa dito ang 22 barangay mula sa bayan ng Pikit.
Ani Villaruz, prayoridad nila sa ngayon sa rescue efforts ang mga lugar na lampas-tao ang lalim ng tubig-baha.
Katunayan nga ay nagrenta na sila ng mga bangka para sa kanilang mga rescue efforts.
Samantala, isang 44 anyos na lalaki naman na residente ng Barangay Lawaan sa bayan ng Mlang matapos inanod ng tubig baha nang sinubukan nitong tumawid.
Sa ngayon nananatili ang karamihan sa mga apektadong residente sa evacuation centers habang ang iba naman ay nakikitira sa kanilang mga kaanak.