-- Advertisements --
Nasa halos 21,000 doses ng mga COVID-19 vaccines na nakatago sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Odette ang nasayang.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na ang mga nasayang na bakuna ay makikita sa Iloilo, Central Visayas, Eastern Visayas at sa Caraga region.
Posible aniyang madagdagan pa ito dahil sa hinihintay pa nila ang ulat mula sa ibang bayan.
Baka sa susunod na dalawang linggo ay k anilang makukumpleto na ang listahan ng mga nasayang na mga bakuna laban sa COVID-19.
Karamihan na rin sa mga vaccination sites sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Odette ay bumalik na ang kanilang pagpapabakuna.