-- Advertisements --
Pinaigting pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang monitoring sa mga pantalan.
Sa nakalipas na mga oras, nakapagtala ang PCG ng 21,898 outbound passengers at 16,479 inbound passengers sa lahat ng ports nationwide.
Kaugnay nito, nagtalaga sila ng 4,355 frontline personnel sa 16 PCG Districts.
Dito ay nakapag-inspeksyon sila ng 204 vessels at 22 motorbancas.
Una rito, itinaas ng PCG ang alerto sa kanilang mga district stations at sub-stations mula Abril 13 hanggang 20, 2025.