BAGUIO CITY – Matagumpay na nakapagtapos sa “Bangon Itogon Skills Training Program†ang 247 na mga dating minero sa Itogon, Benguet.
Pinangunahan ng Technical Skills Development Authority (TESDA) – Cordillera ang pagsasagawa sa mga serye ng nasabing programa matapos ipatigil ang pamimina sa rehiyon dahil sa epekto ng Bagyong Ompong noong nakaraang taon.
Ayon kay Engr. Manuel Wong, Regional Director ng TESDA-Cordillera, aabot sa P3-million ang nagastos para sa naturang programa.
Mula sa 247 na bilang ng mga nagtapos ay 105 ang nagtapos sa Basic Costumer Services, 50 sa Carpentry, 50 sa Electrical Installation Maintenance, 50 sa Shield Metal Arc Welding at 24 sa Masonry.
Sinabi ni Wong na nakatanggap ang mga benepisaryo ng allowance sa bayat araw ng kanilang training at nabigyan din ang mga ito ng starter tool kits para makapag-umpisa sila ng trabaho.