-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Umabot sa halos 250 myembro ng rebeldeng NPA ang sumuko bago ang pasko sa North Cotabato.

Ang nasabing mga rebelde aang nagmula sa anim na mga lugar sa Tulunan, North Cotabato na masabing mga underground mass organization ng grupo.

Ang pagsuko ng mga myembro ng the “Komiteng Rebolusyon sa Munisipyo” (KRM) ang epektibong produkto ng mahgpit na implementasyon ng community support program ng gobyerno batay sa EO 70 at inisyatibo ng NTF- LCAC .

Makaraan ang pagsuko ng mga ito, sila ay dumalo sa tatlong araw na peace building seminar upang tuluyang mapanumbalik ang kanilang mga sarili sa pamahalaan at sa kanilang pamayanan.

Ito rin ang inisyatibo ng NTF- LCAC upang tuluyang humilom ang kanilang mga naranasan sa noo’y grupong kinabibilangan dahil ang karamihan ay nasangkot sa mga heinous crimes at iba pang karahasan.