BUTUAN CITY – Aabot sa kabuuang 2,439 mga Caraganons na Local Stranded Individuals (LSIs) ang dumating sa daungan sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte.
Ito’y matapos silang ma-facilitate ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA sa pangunguna ni PEZA Director General Charito ‘Ching’ Plaza kasama ang mga kaukulang locator companies.
Kaagad naman silang sinundo ng kinomisyong mga sasakyan ng kani-kanilang Local Government Units.
Matatandaang ilang buwan silang stranded sa iba’t ibang lugar ng Luzon at National Capital Region matapos abutan ng community quarantine at sa ipinatupad na moratorium ng Caraga Regional Task Force on COvid-19 One Caraga Shield.
Sa ngayo’y mayroon pang 1,500 mga LSIs na nag-antay ng eskedyol para sa kanilang pag-uwi na bahagi ng Balik Probinsya at Hatid Tulong programs ng pambansang pamahalaan.