Tinatayang aabot sa halos 25,000 na mga kaso ng suspected heat stroke ang naitala ng mga kinauukulan sa bansang India.
Ito ay matapos na makapagtala ng aabot sa 50 degrees celsuis o 122 degrees Fahrenheit ang naitalang temperatura sa Delhi at maging sa Rajasthan noong buwan ng mayo.
Sa datos, mula noong buwan ng Marso hanggang Mayo ng taong kasalukuyan ay nasa 56 na mga indibidwal na rin ang binawian ng buhay nang dahil na rin sa epekto ng ilang araw na Heat wave na naranasan sa nasabing bansa.
Nasa 33 katao kabilang na ang ilang mga election officials na naka-duty sa katatapos lamang na General Election sa India ang napaulat na nasawi nang dahil sa heat stroke sa mga estado ng Uttar Pradesh at Bihar at Odisha.
Sa datos naman ng National Center of Disease Control ay lumalabas na ang sitwasyon noong buwan ng Mayo ay mas naging malala kung saan naitala naman ang nasa 46 na mga heat-related deaths at 19,189 na mga suspected heat stroke cases.
Habang tinatayang nasa mahigit 5,000 mga kaso na rin ng Heatstroke ang na-detect sa central state NG Madhya Pradesh.