-- Advertisements --

Kasalukuyang nananatili pa sa ibat ibang evacuation centers ang nasa 1,800 pamilya na nagsilikas sa takot na maipit sa lababan sa pagitan ng militar at teroristang grupo sa Maguindanao.

Ang mga nagsilikas na pamilya ay mula sa tatlong bayan sa probinsiya ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Major Arvin Encinas,na hanggang sa ngayon nagpapatuloy ang kanilang clearing operations partikular sa SPMS box o ang Salibu-Pagatin-Mamasapano, Shariff Aguak, at Datu Salibo kung saan nagkukuta ang grupo nina Salahuddin Hassan.

Inihayag ni Encinas na sa hanay ng militar nagpa-abot din sila ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Sa inilunsad na opensiba ng 6th ID nasa 20 mga terorista ang napatay kabilang na dito ang ilang mga high value targets.

Dalawa sa naging fatalities ng teorista narekober ang cadaver at isa dito ay Arab looking.

Ibinida naman ni Encinas na kanilang itinuturing na malaking accomplishments ay ang pagkarekober ng maraming mga war materiel at pagkubkob sa kampo ng teroristang grupo.