Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na pumalo sa 2,963 people o 911 families ang apektado dahil sa serye ng pagyanig bunsod sa naranasang lindol sa Itbayat, Batanes nuong Sabado.
Ang mga apektadong pamilya ay mula sa limang barangays sa Itbayat at kasalukuyang nananatili sa plaza at public market sa Barangay San Rafael.
Halos 3-K katao apektado dahil sa Itbayat earthquake – NDRRMC
Nasa 15 bahay, dalawang eskwelahan at dalawang facilities ang nasira dahil sa lindol.
Nagdeploy naman ang ang Department of Health (DOH) ng seven-man Trauma Medical Team na siyang nagfacilitate ngayon ng stress debriefing para sa mga earthquakes victims.
Nasa red alert status ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 kasunod ng lindol.
Walo ang kumpirmadong nasawi, habang 63 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa Itbayat District Hospital.
Ayon naman kay Batanes Gov. Marilou Cayco patuloy na ang pagdating ng mga relief goods, subalit mas maraming tent ang kanilang kinakailangan ngayon dahil siksikan sa tent ang mga residente.