-- Advertisements --

Nasa halos 3,000 mga ‘kubol’ sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang nabaklas na.

Ayon sa Bureau of Corrections, na ang pagbabaklas ng nasabing mga kubol ay bahagi ng kanilang “Oplan Kaayusan”.

Dahil sa nasabing mga nabaklas na mga kubol ay madali ng makita ng mga nakatalagang jail guards ang mga inmates ng NBP.

Pagtitiyak naman ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na dahil sa nawala na ang mga kubol ay mababantayan na ang mga nagaganap na iligal na aktibidad.