-- Advertisements --

Umabot na sa 2,985,344 doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa 1,754,334 o 103.20% ng 1.7 Million na target adult population ang nabakunahan na ng first dose, habang 1,231,010 o 76.64% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan, 1,324,740 o 77.93% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated.

Kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Kaya patuloy na hinihikayat ni Belmonte ang mga QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Sa ngayon, nasa 90.9% o 140,286 na ang gumaling mula sa #COVID19PH sa Quezon City.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 12,635 ang kumpirmadong active cases mula sa 154,314 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Siniguro ng CESU na dumadaan sa validation ang mga datos, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay residente ng QC.

Samantala sa apat na araw ng implementasyon ng granular lockdown sa Metro Manila nasa 48,554 na ang naiulat na lumabag minimum public health standard at curfew hours.

Sa datos ng PNP Joint Task Force Covid Shield sa bilang ng mga lumabag 18,498 dito ang binalaan, 16,007 ang pinagmulta.