BAGUIO CITY – Sunod-sunod na naitala ang 26 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVI-19) sa rehiyon Cordillera sa araw ng Kalayaan.
Ayon sa datos ng Department of Health (D-H)-Cordillera, binubuo ito ng walong kaso sa probinsiya ng Benguet, anim sa Apayao at tig-isa sa Baguio City at probinsiya ng Abra.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City ay isang taxi driver at residente ng Honeymoon Road, Baguio City.
Kinumpirma ng Baguio General and Medical Center (BGHMC) na dalawa ang naidagdag kahapon sa bilang ng mga gumalingn mula sa sakit.
Ayon namna kay Abra Governor Joy Bernos na nailista sa nasabing probinsiya ang ika-anim na kaso ng COVID-19 at sa ngayon a naisailalim na sa lockdown ang Zone 4, Bangued simula ngayong araw.
Sinabi rin ni Apayao Governor Eleanor Bulut-Begtang na anim ang nailista sa probinsiya at dalawa ang residente ng Luna, tatlo sa Santa Marcela at isa a Pudtol.
Dahil dito, isinailalim sa temporary lockdown ang municipal borders ng Pudtol at San Marcela sa Apayao.
Samantala, nailista sa munispyo ng Mankayan, Sablan at Bokod ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 habang nailista ang ika-apat na kaso ng virus sa Itogon, Benguet, dalawa sa La Trinidad, Benguet at dalawa naman sa Buguias, Benguet.