-- Advertisements --

LAOAG CITY – Umabot sa 30 international flights sa Honolulu International Airport ang sinuspinde dahil sa pumutok umanong laptop.

Sa nakalap na impormasyon ni Bombo International Correspondent Manny Pascua sa Hawaii, unang umusok ang laptop bago pumutok kaya ilang oras ding sinuspinde ang operasyon ng naturang paliparan.

Dahil dito, naalarma ang mga tao sa lugar kung saan kahit ang mga naka-check-in ay nagtakbuhan palabas ng Terminal 2 at walang nagawa ang mga otoridad at opisyal ng airport.

Ayon kay Pascua, inakala ng mga pasahero na may nagpapaputok ng baril sa loob ng paliparan kaya naalarma ang mga ito at nagtakbuhan palabas ng gusali.

Hanggang ngayon ay hindi pa nalaman ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng naturang laptop.