-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa halos 30 hindi lisensiyadong baril ang boluntaryong isinuko sa mga otoridad sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Col. Efren Baluyot, commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade, isinuko ng mga residente sa nabanggit na lugar ang kanilang mga baril sa tulong ng mga local offcials at pulisya.

Ang nabanggit na mga baril ay kinabibilangan ng assault rifles, mga shotgun, caliber pistol at 40 millimeter grenade projectiles.

Nagpapasalamat naman ang mga otoridad sa ginawa ng mga residente dahil malaking tulong ito upang masiguro ang tahimik na eleksiyon sa Lunes.

Napag-alaman na daan-daang mga loose firearms na ang isinuko sa probinsiya ng Sultan Kudarat ilang araw bago ang midterm election.