-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na mayroong 27 mga barko ng China ang kanilang namataan sa Bajo de Masinoc shoal sa West Philippine Sea.

Sa ulat ng PCG, aabot sa 25 Chinese Maritime Militia vessels at 2 China Coast Guard vessels ang kanilang na-monitor sa naturang lugar.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela ang naturang dalawang barko ng CCG ay na-spot-an sa loob mismo ng Bajo de Masinloc shoal.

Gayunpaman ay iniulat din ng opsyal na wala naman nang nakalagay na mga floating barrier sa lugar.

Una nang iniulat ni dating United States Air Force official at dating-Defense Attaché Ray Powell na mayroong 10 Chinese militia ships at dalawang CCG vessels ang na namataan sa naturang pinag-aagawang teritoryo.