-- Advertisements --
image 278

Patay ang halos 30 al-Shabaab fighters matapos ang ginawang pag atake ng United States (US) sa Somalia.

Nangyari ito matapos suportahan ng US ang Somalia National Army forces laban sa higit 100 al-Shabaab fighters.

Nasa 260 kilometer northeast ng Somalia capital of Mogadishu umano nangyari ang nasabing pag atake.

“Somalia remains central to stability and security in all of East Africa. U.S. Africa Command’s forces will continue training, advising, and equipping partner forces to help give them the tools they need to defeat al-Shabaab, the largest and most deadly al-Qaeda network in the world,” sinabi ng US military.

Ang United States ay nagbibigay na raw talaga ng tulong sa gobyerno ng Somalia simula noong pirmahan ni President Joe Biden ang Pentagon request na iredeploy ang US troops.

Samantala, nilinaw ng US defense official na walang US military na naroon nang maganap ang insidente, dagdag pa niya wala namang nasaktan o namatay na sibilyan.

Matatandaan na noong mga nakaraang buwan rin ay marami ang naitalang namatay na mga al-Shabaab dahil parin sa pag atake ng US forces.