-- Advertisements --
Umabot na sa 27.61% ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH) na mula ng magsimula ang vaccination program noong Marso ay mayroon ng mahigit 30.11 milyon Filipinos ang nakatanggap ng kanilang dalawang doses ng bakuna o ang single-dose na Johnson & Johnson vaccine.
Ang nasabing bilang ay mas mababa sa target na 50 milyon na Filipino na babakunahan ng gobyerno hanggang sa katapusan ng taon.
Umabot naman sa 35.66 milyon katao na o 32.71% ng populasyon ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Magugunitang itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang November 29-December 1 na three-day national vaccination drive bilang paggunita sa araw ni Gat Andres Bonifacio.