-- Advertisements --

KYIV, Ukraine – Hindi bababa sa 29 ang nasawi sa air strike ng Russia sa Ukraine nitong Lunes.

Kasama sa mga tinamaan ang Kyiv children’s hospital na pinakamalaking children’s hospital sa nasabing bansa.

Pagbabahagi ng ina ng isa sa mga pasyente na si Tetyana, hindi nila inaasahan na pati ang ospital ay magiging target ng missile attacks.

Sa ngayon, nagkukumahog ang rescuers para maisalba ang iba pang biktima mula sa wreckage.

Maliban kasi sa halos 30 nasawi, dose-dosenang iba pa ang naitalang sugatan.