DAVAO CITY – Sinuspinde at inalis umano ni Bishop Medel Aseo ng Tagum City ang ilang mga pari sa Diocese of Tagum dahil sa paglabag ng mga ito sa kanilang priesthood.
Sinasabing ang mga pari ay nakalabag sa vow of celibacy o pag-iwas sa pakikipagtalik at pag-aasawa.
Batay sa inilabas na Circular No. 6 na ipinadala sa Parish Priests, Administrators at Chaplains, school principals and administrators, at Lay Faithful sa Diocese of Tagum, pinagbawalan ni Medel ang 26 na mga pari na makapagsagawa ng mga aktibidad sa simbahan sang-ayon sa nakasaad sa Code of Canon Law.
Nakilala ang mga ito na sina Fr. Marlon Avenido; Fr. Gerry Cosal; Fr. Jovito Niniel; Fr. Marino Angostura; Fr. Daniel Ranalan; Fr. Felix Abangin; Fr. Artemio Lebria Jr; at Fr. Jojie Vingno.
Kabilang rin sa mga sinuspinde ng obispo sina Frs. Miguel Guzman; Elmer Pontilar; Emmanuel Patriarca; Jesus Dandoy, Jr.; Narciso Jadraque; Raymundo Honor; Fernando Juab; Eulalio Moring; Romulo Malooy; Engelbert Causing; Elca Aridel; Jerum Quitoriano; Judel Salarda; Ernest Pallo; at Reynaldo Moso kung saan pinagbawalan ang mga ito sa pagsasagawa ng priestly ministry.
Samantala, penalty of leave of absence and without faculties naman ang ipinataw kay Fr. Noel Refamonte, habang si Fr. Arnel Celis ay binigyan ng preventive suspension sa priestly ministry at without faculties to celebrate sacraments and sacramentals kasama si Fr. Alih Pizarras.
Ayon pa kay Bishop Aseo, ginawa ang nasabing hakbang para magabayan ang nasabing mga pari lalo na ang pagdalo ng nito sa mga liturgical celebrations.