CAUAYAN CITY – Stranded ngayon ang 28 Pinoy crew members ng isang barko sa Uruguay matapos na makagpatala ng kaso ng coronavirus disease ( COVID 19).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Anna Maria Zosa, isang guro sa Uruguay, sinabi niya na ang barko na sinasakyan ng mga Pinoy ay papunta sa Antarctica.
Aniya, nagkaroon ng outbreak ng COVID-19 sa mga crew ng nasabing barko at ang bansang Uruguay lamang ang pumayag na sila ay makadaong.
Binigyan na sila ng medical attention at nananatili sa barko ng 40 araw bago dinala sa isang hotel kung saan sila naka-isolate ngayon.
Ayon kay Zosa, nasa 80 ang crew ng barko at natagalan silang mai-evacuate dahil nagkahawaan na sila.
Sa ngayon ay patuloy pa ang kanilang pagrekober sa sakit.
Dagdag pa ni Zosa, may isang Pilipino crew na rin na namatay noong Abril.