-- Advertisements --

pnpcovid3

Nas 63,579 police personnel o halos 30 porsiyento sa kabuuang 221,000 police force ang naturukan na ng bakuna laban sa Covid 19.

Sa bilang na ito, mahigit 21,000 o halos 10 porsyento na ang nakakumpleto ng pangalawang dose ng bakuna.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng PNP Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) ngayong araw.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz target ng PNP na mabakunahan ang nasa 154,863 police personnel o 70 percent sa buong bansa.

Sinabi ni Vera Cruz, sa PNP National Headquarters nasa 2,310 na ang nabakunahan habang 424 dito ang fully vaccinated.

Sa mga Police regional offices naman nasa 49,260 na ang nabakunahan habang 17,845 naman ang fully vaccinated.

Aminado din ang PNP ASCOTF na may mga police personnel ang ayaw parin magpa bakuna habang ang iba ay naghihintay pa sa gusto nilang bakuna.

Samantala, iniulat din ng ASCOTF na umabot na sa 78 police personnel ang nasawi dahil sa Covid-19 infection.

Inihayag ni Vera Cruz, nasa 29,354 na mga tauhan ng PNP o 13.4 na porsyento ng kanilang buong pwersa ang tinamaan ng Covid 19.

Sa bilang na ito, 27,967 ang nakarekober at 1,309 ang aktibong kaso.

Kasama na dito ang 44 na bagong recovery at 41 bagong kasong iniulat ngayong araw.