-- Advertisements --
image 273

Nagsasagawa na ng imbestigasyton ang mga otoridad sa dalawang sasakyang pandagat na nagbanggaan sa Mandaue City, Cebu nitong weekend.

Matatandaang 28 pasahero ang nagtamo ng minor injuries sa nabanggit na pangyayari.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), rumesponde ang kanilang mga tauhan matapos mapaulat ang salpukan ng MV St. Jhudiel at supercat LCT Poseidon 23 sa Barangay Looc, Mandaue City.

Nagmula sa Ormoc City, Leyte ang MV St.Jhudiel sakay ang halos 200 pasahero patungong Cebu City.

Habang nasa dagat, nakaranas ito ng steering at engine trouble na nagdulot ng pagbangga sa LCT Poseidon 23 na patungo naman ng Mandaue City mula Ormoc City.

Sakay ng LCT Poseidon ang 17 rolling cargoes at 20 pasahero nang mangyari ang insidente.

Dahil dito, napilitang bumalik sa port of origin nito sa Ouano Wharf Mandaue City ang sasakyang pandagat para masuri ang pinsalang bunsod ng aksidente.

Inatasan na ng Coast Guard District Central Visayas ang Maritime Safety Services Unit na magsagawa ng marine casualty investigation, para mabatid ang pinsala at kung sino ang may pananagutan sa pangyayari.