KALIBO, Aklan – Labis-labis ang pasasalamat ng Philippine Red Cross (PRC)-Aklan chapter sa 266 na successful blood donors na nakiisa sa Dugong Bombo 2019 sa Aklan Provincial Trade Hall sa Capitol Site, Kalibo, Aklan, araw ng Sabado.
Mahigit sa 400 indibidwal ang pumunta sa venue upang boluntaryong mag-donate ng dugo, subalit ang iba ay hindi nakapasa sa pre-screening requirements at 266 lamang ang nagtagumpay na blood donor.
Ayon kay Mary Joe Galleon, OIC ng PRC-Aklan na matagumpay ang isinagawang bloodletting activity ng Bombo Radyo Philippines at Star FM dahil sa naipong 266 na blood units na sobra-sobra sa 100 kinakailangang maipon sa loob ng isang araw ng isang lalawigan.
Isa sa kilalang personalidad sa Aklan na nakiisa sa Dugong Bombo ay si Mrs. Aileen Quimpo-Hernandez, anak ni dating Aklan Congressman Atty. Allen S. Quimpo.
Ang 266 na blood units ay katumbas ng 119,700 cc ng dugo.