-- Advertisements --

Aabot na umano sa 284 ang bilang ng mga bus sa ilalim ng EDSA Busway System simula sa araw ng Miyerkules, Hulyo 29.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ia-absorb na kasi ng nasabing sistema ang 90 bus units sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Dagdag din umano ito sa 194 bus na kasalukuyang naka-deploy para sa EDSA Busway service na nagbibiyahe ng mga pasahero sa pagitan ng Monumento at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx).

Mula naman sa fixed rate na P25, magiging P13 na lamang ang base fare para sa unang limang kilometro, samantalang P2.2 naman ang dagdag sa mga susunod na kilometro.

Puwede namang magpasakay at magpababa ng mga pasahero ang EDSA Busway service sa mga sumusunod na bus stops matapos sa MRT-3 stations:

NORTHBOUND:

Loading stations:

– Taft Avenue station
– Ayala station

Unloading stations:

– Ayala station
– Guadalupe station
– Ortigas station
– Quezon Avenue station
– North Avenue station

SOUTHBOUND:

Loading stations:

– North Avenue station
– Quezon Avenue station

Unloading stations:

– Ortigas station
– Guadalupe station
– Ayala station
– Taft Avenue station